Thursday, 17 November 2016

Repleksyon

       

             Pagsubok, marami ang tao nyan, di na maubos-ubos. Tao, taoang may kapangyarihan upang  malutas ang iba’t ibang pagsubok sa buhay. Pagsubok para mga tao ay tumatag at tumibay ang pundasyon sa buhay. Ika nga  “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”, tao ang may kakayahan sa lahat ng larangan ng problema kung paano ito malulutas. Diyos, ang may gawa ng lahat ito’y para tao ay matuto sa mga pagsubok na painagdadaanan ng bawat isa.
Butil ng kape, ano ng aba ang mensahe nito sa atin? Carrots, itlog, at butil ng kape?
Carrots, ayon sa kwento na ito, ang carrots ay matigas ang pisikal ngunit ng inilagay sa kumukulong tubig ito ay lumambot. Para sa akin, ang pagiging carrots sa bawat sa pagsubok ay nagpapakita ng kahinaan.Sa kwento, ang kumukulong tubig ay sumusimbolo sa pagsubok. Minsan na kong naging carrots sa pagsubok na dumating sabuhay ko. Mahirap ang may pagdaanang problema, mas mahirap kung ikaw ay mag papadala sa problema at maging mahina. 
Itlog, nagbigay ng inspirasyon ang kwentong ito kung anung klaseng tao ang isang tao sa bawat pagsubok. Ang karakter ng isang itlog ay negatibo, nakapag inilagay sa kumukulong tubig, ito ay malambot ngunit ang loob ay matigas.  Kung sa tao, kapag dumaan ang isang pagsubok ang dating malambot na puso ito ay nagiging matigas. Ito ay maaaring naimpluwesyahan ng ibang tao o sadyang nagpadala sa sitwasyon.
Kape,  maitim,  mapait kung ilalarawan, ngunit sa kwento, ito ang masasabing positibo pagdating sa pagharap ng pagsubok. Mula sa aking karanasan, ako’y nagging isang kape na nag impluwensiya at hindi nagpadala sa sitwasyon kundi nagpabago sa takbo ng pangyayari ng isang pagsubok. Kape na kapag inilagay sa kumukulong tubig, ito ay kumukulay lamang sa tubig. Sa bandang huli siya pa rin ang nagwagi at naging matatag sa buhay.
Ang pagiging carrots, itlog at kape sa pagkaraan ng mga pagsubok ay sumisimbolo na ang problema ay problema lang, na di kailangan tambayan, ito ay dapat pinapadaan lang. Hayaan nalang na ang problema ang mamroblema sayo.

Buod ng Butil ng Kape



        Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyang nagmamaktol ang kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at pagod na  nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.Ayon pa sa anak , nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa hirap na nararanasan niya.Tinawag niya ang kanyang anak na pumunta sa  kusina.
 
        Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy.Walang narinig na ano mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila angnakasalang na mga palayok. Hindi nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok ,inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok.Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga palayok. Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga.

          Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog,at butil ng kape. Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon.

         Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos mailahok sa kumukulong tubig ay nagging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.

“Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak.

      “Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?” usal ng ama.

        “Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina? O kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso subalit nabago ng init ng kumukulong tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una ay may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan, sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala. O maging tulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig,” paliwanag ng ama.

         “Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat, ikaw mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo,” dagdag na paliwanag ng ama.

        “Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay sumusunod lamang sa kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap kang maging matatag sa harap ng mga pagsubok. Gayundin, patuloy ka rin bang lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng di magagandang pangyayari?

“Kaya anak, ikaw ba ay carrot , itlog, o butil ng kape?” tanong muli ng ama.

Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butil ng kape...” katulad mo mahal na ama.