Pagsubok, marami ang tao nyan, di na maubos-ubos. Tao, taoang may kapangyarihan upang malutas ang iba’t ibang pagsubok sa buhay. Pagsubok para mga tao ay tumatag at tumibay ang pundasyon sa buhay. Ika nga “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”, tao ang may kakayahan sa lahat ng larangan ng problema kung paano ito malulutas. Diyos, ang may gawa ng lahat ito’y para tao ay matuto sa mga pagsubok na painagdadaanan ng bawat isa.
Butil ng kape, ano ng aba ang mensahe
nito sa atin? Carrots, itlog, at butil ng kape?
Carrots, ayon sa kwento na ito, ang
carrots ay matigas ang pisikal ngunit ng inilagay sa kumukulong tubig ito ay
lumambot. Para sa akin, ang pagiging carrots sa bawat sa pagsubok ay
nagpapakita ng kahinaan.Sa kwento, ang kumukulong tubig ay sumusimbolo sa pagsubok.
Minsan na kong naging carrots sa pagsubok na dumating sabuhay ko. Mahirap ang
may pagdaanang problema, mas mahirap kung ikaw ay mag papadala sa problema at
maging mahina.
Itlog, nagbigay ng inspirasyon ang kwentong
ito kung anung klaseng tao ang isang tao sa bawat pagsubok. Ang karakter ng
isang itlog ay negatibo, nakapag inilagay sa kumukulong tubig, ito ay malambot ngunit
ang loob ay matigas. Kung sa tao, kapag dumaan
ang isang pagsubok ang dating malambot na puso ito ay nagiging matigas. Ito ay
maaaring naimpluwesyahan ng ibang tao o sadyang nagpadala sa sitwasyon.
Kape, maitim, mapait kung ilalarawan, ngunit sa kwento, ito ang
masasabing positibo pagdating sa pagharap ng pagsubok. Mula sa aking karanasan,
ako’y nagging isang kape na nag impluwensiya at hindi nagpadala sa sitwasyon kundi
nagpabago sa takbo ng pangyayari ng isang pagsubok. Kape na kapag inilagay sa kumukulong
tubig, ito ay kumukulay lamang sa tubig. Sa bandang huli siya pa rin ang
nagwagi at naging matatag sa buhay.
No comments:
Post a Comment